Deviant Login Shop  Join deviantART for FREE Take the Tour
×

More from deviantART



Details

Submitted on
June 7, 2013
Link
Thumb

Stats

Views
9,309 (39 today)
Favourites
2 (who?)
Comments
0
×
Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa't tao, kung mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan. Wala kang magiging anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o malaki man, sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan.

  Ang pagiging malaya ay isang katangian ng pagiging makapangyarihan, may sariling kapasiyahan nang walang anumang pinapangambahan, hindi nakasandig, umaasa o nakatali sa iba, matatag at taas noong ipinaglalaban ang pansariling kapakanan at kagalingan para sa lahat. Walang nangingibabaw o nakapangyayari sa iyong mga karapatang pantao. Hindi ka naghihinala, nangangamba, o maging natatakot man sa iyong kapwa sa sariling lipunang ginagalawan, at higit na nag-aalala sa uri ng iyong pamahalaan.

  Sa kabubuang lahat, ang wastong katawagan nito ay KASARINLAN. Nagsasarili, may natatanging kapasiyahan, paninindigan, taas noong humaharap sa iba nang walang nagsusulsol o sinusunod, at walang bahid ng anumang pag-aalinlangan.


  Ito nga ba ang siyang nagaganap sa ating minamahal ng bansang Pilipinas? Totoo o tunay bang tayo ay may kasarinlan?

  Kung matiwasay ang iyong kalooban, hindi mo lalagyang ng katakot-takot na kandado ang iyong mga pintuan, ang padilimin ang iyong mga durungawan ng mga rehas na bakal na mistulang nakabilanggo ka sa iyong tahanan. At sa iyong araw-araw nang pagpasok sa trabaho at pagganap ng tungkulin, hindi ka nangangamba sa mga taong kahalubilo mo na ikaw ay mabiktima ng kanilang mga karahasan.

 Subalit kung ganito ang nananaig sa iyong mga ligalig, pagkatakot, mga pangamba, at kawalan ng katarungan sa iyong kapaligiran . . .
Hindi ka Malaya
No comments have been added yet.

Add a Comment: